Ako kailanma'y hindi mananahimik, Patuloy na tutugon, sisigaw, at iimik; Sa gitna man ng pighati't pag-ibig, Sa dilim ng gabi't may busal man ang bibig. Pagiging manunulat ko'y gagamitin; Ipagsisigawan sa lahat at dadalhin, Mga daing ng kabaro, kaibigan ko't kapatid, Pantay-pantay sanang pagtrato't pagtingin. Bawat kudlit, diin, bigkas, at titik, Tinta ma'y paubos na't kamay ay manginig; Nilamukos na papel at pusong naghihimagsik; Isasatinig aking ibig, kaalama'y ihahasik. Isalang man sa pagsubok at pagtitiis, Kalam ng sikmura man o labis na hinagpis; Pilipino ngang pangkaraniwan lamang, Ngunit Pilipinong may karapatan rin lang. "Ako'y Hindi Mananahimik" **This one's for a COVID-19 cause. TRANSLATION: Never ever shall I remain silent, I'll continue to speak my soul and my mind; In the midst of gloom or of love,